Wednesday, September 22, 2010

Antayin mo

Hindi ka pa nakuntento
Sa ginawa mong bulilyaso
Pilit pang isinisiksik
Pagmumukha mong walastik

Ano ba ang meron sakin?
Ayaw mo kong tantanan
Gusto atang antayin
Muling pagsabog ng bulkan

~lines 5&6 borrowed lyrics from Dello's "Bakit ka obsessed?"

Sinungaling #1

Meron akong kwento
Isa daw siyang henyo
Kaya pala kasi
mahilig siyang mag-imbento

Bawat may makilala
May pangit na komento
Pero pag kaharap
Parang galing sa kombento

Makamandag,
kasi dila niya ay isang ahas
Dahilan para kagatin ni Eba ang mansanas

Ngunit ako’y matalas
Wala na siyang takas
Alam na namin na hindi siya lumalaban ng patas

Mag-ingat ka na rin
May balak siyang maitim
Alam ko’y ahas lang ngunit tao ay nag-babalat na rin

Iba’t-iba ang hugis at kulay
Sa pagsisinungaling siya nabubuhay

Pagkakaibigan ang binayad
Tapos ito ang sukli ko
Dapat ka lang sa dilim
Dahil ang itim ng budhi mo

Lumayo ka sa akin
Wag mo akong kausapin
Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling

~excerpt from "Sinungaling" by Loonie ft. Ron Henley & Tuff
~verse performed by Ron Henley

Tuesday, September 21, 2010

Kumukuti-kutitap

Bat ba pag sakin naka-titig mata mo'y kumukuti-kutitap?
Baka kalimutan mong kumurap at ika'y ma-istroke ng isang iglap

The Final Word #1

Bato bato sa langit ang tinamaan ay... INASINTA KO

~excerpt from "The Final Word" by Loonie

Walang kausap

Bat ka satsat ng satsat eh wala ka namang kausap?
Kaya pala ang utak andon lumulutang sa alapaap.
Sanay ka bang kausapin pati manikin?
Ingat ka! Pag-sumagot yan baka ika'y biglang murahin.

Plastik

Ang iyong halakhak,
mistulang huni ng itik.
Ang ngiti mong busilak,
sagad sa banat mala-plastik.

Anghel kuno

Wag ka pumapel at magpanggap na anghel.
Balat mo'y kasing puti ng bulak.
Budhi'y kasing itim ng uwak.