Meron akong kwento
Isa daw siyang henyo
Kaya pala kasi
mahilig siyang mag-imbento
Bawat may makilala
May pangit na komento
Pero pag kaharap
Parang galing sa kombento
Makamandag,
kasi dila niya ay isang ahas
Dahilan para kagatin ni Eba ang mansanas
Ngunit ako’y matalas
Wala na siyang takas
Alam na namin na hindi siya lumalaban ng patas
Mag-ingat ka na rin
May balak siyang maitim
Alam ko’y ahas lang ngunit tao ay nag-babalat na rin
Iba’t-iba ang hugis at kulay
Sa pagsisinungaling siya nabubuhay
Pagkakaibigan ang binayad
Tapos ito ang sukli ko
Dapat ka lang sa dilim
Dahil ang itim ng budhi mo
Lumayo ka sa akin
Wag mo akong kausapin
Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling
~excerpt from "Sinungaling" by Loonie ft. Ron Henley & Tuff
~verse performed by Ron Henley
No comments:
Post a Comment